NAG-ENJOY ang mga entertainment press and bloggers sa mediacon ng bagong movie na muling pagtatambalan ng magka-love team na sina JC Santos at Bela Padilla, ang On Vodka, Beers, and Regrets, na pre-Valentine offering ng Viva Films.

JC at Bela

Una silang pinag-usapan as a love team nang magtambal sila sa 100 Tula Para Kay Stella na isa sa pinanood nang ipalabas ito sa 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino. Nagustuhan at hinangaan ang kanilang love team kaya naman muli silang pinagtambal noong 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino,” ang The Day After Valentine’s. Sa dalawang pelikula, parehong brokenhearted sila sa finale. Kaya ang tanong kina Bela at JC, sa pangatlo nilang pagtatambal, magiging sila na kaya? Baka raw tuluyan na silang dalawa ngayon, natatawang sagot ni JC.

Ang movie na sinulat at dinirek ni Irene Emma Villamor ay tungkol kay Jane Pineda, isang dating child star at artistang malapit nang mawalan ng career. Sa kanyang- sunud-sunod na failed auditions at sa kagustuhang makatakas sa isang malaking iskandalo, sa alak siya nakahanap ng kakampi. At sa isang lasing na pagkakataon sa bar, nakilala ni Jane si Francis, vocalist ng isang banda. Dito, biglang nagbago ang lahat. Sa wakas, nakahanap ng kakampi si Jane sa piling ni Francis. Para naman kay Francis, handa niyang mahalin si Jane, anuman ang kanyang sitwasyon. Magiging sapat kaya ang pagmamahal niya para manatili si Jane sa piling niya, o mawawala pa rin siya sa kanya?

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Nang mabasa na raw ni Bela ang script ni Director Irene, tinawagan niya agad si JC “baka gusto mong gawin ito?”

“Ako naman, sagot ko kay Bela, kahit sampung movie pa ang gawin natin na tayo ang magkatambal, payag ako,” sagot ni JC. “Ang team-up namin ay nabuo rin ang isang friendship, kaming tatlo nina Direk Irene, madalas kaming lumalabas na tatlo. Minsan naman sina Direk Irene at Bela lang kapag may work ako. Sa shooting, nagtutulungan kami ni Bela sa mga eksena.”

Kung may non-showbiz wife na si JC for one year, at magkakaanak na sila, loveless naman si Bela dahil tanggap siya nang tanggap ng trabaho kaya wala siyang time na maligawan.

May special participation si Matteo Guidicelli sa “On Vodka, Beers, and Regrets” at mapapanood na in cinemas nationwide simula sa February 5. May red carpet premiere night sila sa February 3, Monday, sa SM Megamall.

-NORA V. CALDERON