DAHIL sa photo na ito nina Jasmine Curtis Smith at boyfriend niyang si Jeff Ortega, napagkamalang buntis si Jasmine. Hindi ba puwedeng maling angulo lang at na-highlight ang stomach area ng aktres?

Jasmine at Jeff

May nag-comment agad na buntis si Jasmine na nabasa nito at agad sinagot ng “lol guys, im not.” Pero, mapilit pa rin ang ibang netizens, buntis daw talaga si Jasmine, kaya hihintayin na lang nila ang announcement.

Hindi naisip ng mga nagsasabing buntis si Jasmine na ginagawa nito ngayon sa GMA-7 ang Descendants of the Sun at sundalo ang role niya. Sumabak nga siya sa training na hindi man kasing tindi ng training ng mga kasamang aktor, manganganib ang baby sa tiyan niya kung buntis siya.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Hindi rin tiyak papayag si Jasmine na ipagpatuloy pa ang DOTS kung buntis siya dahil mas bibigyan nito ng priority ang ipinagbubuntis.

-Nitz Miralles