NAPANSIN ng viewers na nakakapanood ng plugging ng Love of my Life, isa sa mga bagong teleserye ng GMA-7 na nagdagdag ng timbang si Carla Abellana. Ang aktres na ang nag-open kung bakit siya tumaba.

Carla at Tom

“Have you seen my latest Vlog already? Nakita niyo na ba kung paano ako lumobo ng husto sa Osaka dahil sa mga sakit ko? Thank goodness i’m getting better now,” post ni Carla.

May nagtanong kung ano ang kanyang naging sakit at bigla ngang tumaba si Carla at ang sagot ng aktres, “asthma, tachycardia (sa puso) hypothyroidism at liver damage po.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Hindi na nag-elaborate si Carla kung dati na siyang may mga ganu’ng sakit na kanyang binanggit o ngayon lang. Na-curious lang kami sa nabanggit nitong “liver damage” paano kaya at bakit?

Kaya pala may post siya sa IG dati na 2019 ang most challenged year sa kanya, physically, emotionally at financially. Mabuti na lang at okay na siya at tiyak, isa sa nag-worry kay Carla ay ang boyfriend nitong si Tom Rodriguez.

Incidentally, may special participation si Tom sa Love of My Life na airing na sa March. Kapag airing na ang teleserye, malalaman kung ano ang role ni Tom sa teleserye.

-Nitz Miralles