SA finale presscon ng teleseryeng Starla ay inamin ni Judy Ann Santos masaya siya sa kinalalagyan niya ngayon sa ABS-CBN dahil alam na ng bosses kung anong klaseng project ang dapat ibigay sa kanya. Hindi katulad noong araw na kung anu-ano lang.

STARLA

“’Yung ang nakakatuwa with ABS (CBN), Dreamscape and with all the BUH (business unit head) and for some reason, they were able to give you new characters na hindi mo naiisip na, ‘ah, puwede naman pala itong character na to.’

“So, I’m excited to wait and to see kung ano ang susunod na ibibigay nila sa akin kasi you don’t have to work anymore at hindi mo kailangang sabihin sa kanila kung ano ‘yung role na gusto mo kasi sila na mismo ang magtitimpla na ito ‘yung ginawa ko dati o dapat sa susunod, ibang-iba naman.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“‘Yung ang magandang nangyayari at ginagawa ng Dreamscape lahat-lahat, tinitimpla nila ang ginagawa ng bawa’t artista sa network para nga naman may ibang texture, ibang character hindi ka lang nalilinya sa ganito. I don’t have to do anything, maghihintay na lang ako. Oo na lang ako o Oo na lang ako,” paliwanag ng Reyna ng Teleserye ng ABS-CBN.

Pero kahit na maganda ang project kung aabutin naman daw ito ng ilang taon ay hindi rin nito gagawin. Nalilinya na rin si Juday sa ilang artistang ayaw ng gumawa ng mahahabang teleserye.

“Hindi ko naman isinasara ang (pinto), hindi ko na lang talaga kayang gumawa ng soap na pang-limang taon. ‘Yung ganu’n katagal, parang puputok ang bahay bata ko no’n kahit hindi ako buntis.

“Saka sa attitude ng audience ngayon, madali na silang naiinip and of course for my own personal reason, you spent a lot of time in tapings and shootings when you’re doing a teleserye. You don’t get much time with your family anymore, para sa akin maiksi ang buhay and anything can happen kahit napaka-healthy mo, hindi mo alam kung ano ‘yung puwedeng mangyari sa ‘yo bukas, sa susunod na araw. ‘Yung iba nga nakatayo lang nababagsakan pa ng kung anu-ano. I wanna live my life on how I wanted to be.

“For the longest time, I’ve been obeying, I’ve been very obedient and professional actor at that. Kaya kong sabihin kasi alam kong ganu’n ako magtrabaho. I’ve given not just half of my life in show business, my life is an open book, it’s about time to give myself a priority and my family a priority,” pahayag ni Juday.

Samantala, for nth time ay muling tinanong si Juday kung posible pa bang gumawa siya ng pelikula kasama si Piolo Pascual.

“In fairness, consistent every year natatanong sa kin ‘yan. It’s not impossible pero kagaya ng sinabi ko patagal nang patagal nagiging kritikal ‘yung istorya, kritikal ‘yung latag ng materyal kasi everybody is looking forward for a Piolo-Juday project. But with a perfect project, right director and perfect timing, bakit naman hindi,” pagtatapat ng aktres.

At sa selebrasyon ng ASAP Natin ‘To nitong Linggo ay nagkita sina Juday at Piolo at kinunan pa sila ng litratong magkasama.

“Okay naman kasi kami kapag nagkikita, we’re okay!” diin ni Budaday (tawag sa kanya ng mommy Carol niya).

Marami kasi ang nag-aabang na muling magsama ang dalawa sa pelikula at tiyak na blockbuster ito.

Mabilis na sagot ni Juday, “’yun ang isa sa nakakatakot kasi nag-e-expect sila na magiging super blockbuster, e, (paano) kung hindi? Kasi hindi tama ‘yung materyal, ang daming kailangang i-consider. So, I’m not just being selfish because I just don’t want, maraming kailangan pa talagang i-consider.”

Tama naman din ang aktres na tamang timing, magandang materyal at nang banggitin ang pangalan ni Cathy Garcia-Molina na siyang magdi-direk ng pelikula.

“Cathy, ha? Ha ha, ha, ha,” tumatawang sagot ni Judy Ann. Hmm, hindi nga kaya ito ang sinasabi sa amin ni direk Cathy na huling project niya sa Star Cinema bago siya mag indefinite leave?

Anyway, huling linggo na ng Starla ngayon kaya’t abangan ang mga pasabog ni Teresa (Judy Ann) at kung paano niya matatalo si Dexter (Joem Bascon) sa ginagawa nitong panggigipit sa mga mamayan ng Barrio Maulap.

Ang Starla ay isinulat ni Dindo Perez at idinirek nina Onat Diaz, Darnel Villaflor, at Jerome Pobocan. Binigyan nito ng liwanag ang mga gabi ng mga manonood sa paghatid nito ng good vibes sa primetime at nagturo ng magagandang aral sa mga bata at buong pamilya. Sa pagsisimula ng 2020, pinapaalala rin nito at hinahangad na baunin ng mga manonood ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, pagmamahal, pagpapatawad, pag-asa, at pamilya.

Kasama sa Starla sina Enzo Pelojero, Jana Garcia, Meryll Soriano, Joel Torre at marami pang iba handog ng Dreamscape Entertainment.

-REGGEE BONOAN