WARLA as in war na naman ba ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion? Hindi kasi binanggit ng Megastar ang pangalan ng panganay na anak sa mga pinasalamatan niyang nakaalala at nagpunta sa birthday celebration niya na ginanap sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo, Enero 5.

KC

Kilalang matampuhin si Sharon lalo na sa mga taong importante sa kanya at higit sa lahat, selebrasyon ito ng kanyang kaarawan na dapat ay kumpleto sana silang pamilya.

Nag-post si KC ng throwback picture nilang mag-ina na may caption,

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Happy birthday, mama. I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons. We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will. I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young. If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best. Happiest birthday to you mama. May your light shine brighter and brighter and I will see you soon. I love you and pray for your happiness always.”

Kung ia-analisa ang caption ay mukhang may pinagdadaanan na naman silang mag-ina at may kinalaman kaya ito sa lalaking nali-link kay KC na si Apl de Ap?

Nitong huling araw ay laman ng balita sina KC at Apl base sa mga nakakita sa kanila na magkasama at mga post sa social media kung saan nagpapalitan sila ng mensahe.

Abangan ang susunod na kabanata

-REGGEE BONOAN