HINDI pinatulan at hindi rin dinelete ni Judy Ann Santos ang comment ng isang moviegoer na sa tono, galit at hindi fan ng aktres dahil ang sabi, “Nakawalang kuentang pelikula at wala kayong kinita sa takilya!!! @officiallyjuday tuwang tuwa ka pa at nadagdagan ang pelikula mo mahiya ka sa balat mo isa ka talagang FLAPSINA QUEEN.”

Juday

Ang dinelete ni Judy Ann ay ang comment ni @misterdaks2020 na sobra sigurong negative, kaya napilitan siyang alisin sa kanyang feed. Ang ganda nga naman ng bati niya para sa moviegoers na hindi pa nakakapanood ng Mindanao, tapos may sisingit na basher.

Parang iisang tao sina @misterdaks2020 at isa pang nag-comment ng negative na si @threepointerguy dahil nang magpasalamat si Judy Ann sa kanya, si @misterdaks 2020 ang nagpahatid ng welcome sa aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang positive ng comment ni Judy Ann para balikan ng hate comments, ibinalita lang ni Judy Ann na nagdagdag ng sinehan ang pelikula niyangMindanao and as of Saturday, may 103 cinemas nang pinaglalabasan ng pelikula nationwide.

Hindi nga yata napanood ng basher ang Mindanao, tapos siya pa ang may lakas ng loob na mam-bash. Eh, karamihan sa mga nakapanood, nagustuhan ang movie at lahat sila, nagsasabing deserving ni Judy Ann ang best actress award at deserving sa maraming awards na napanalunan sa awards night.

-Nitz Miralles