SA panayam kay Jameson Blake sa Tonight With Boy Abunda, inamin ng aktor na wala na raw sila ng rumored girlfriend na si Elisse Joson. Aniya, “Maybe we just decided like to part ways.”

Elisse1 Jameson

Ipinagtapat din ng It’s Showtime Hashtag member na desisyon nilang dalawa ni Elisse na maghiwalay muna pagkatapos nang maikling relasyon.

Ito’y isa lamang sa mga rebelasyon ni James sa interbyu sa kanya ni kuya Boy Abunda sa kanyang programang TWBA nitong nagdaang araw.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Itinanong ng King of Talk sa aktor kung ano na nga ba estado ng kanyang relationship with Elisse at sabi nga niya’y wala na silang ugnayan.

Parehong romantically linked to each other ang dalawang celebrities na nag-umpisa sa It’s Showtime.

Tinanong ni kuya Boy if on speaking terms pa sila ni Elisse, “Not anymore,” agad na sagot ni Jameson.

The Kapamilya star also clarified that though they had “something special,” they were just good friends. “We were never together officially,” sey niya.

Samantala, sa isang interview with DJ Jhai Ho for HOTSPOT last October, sinabi ni Elisse, that she is actually enjoying her time being single.

“To be honest ngayon ko lang siya na-enjoy... Ang saya nung marami kang friends. Kung meron mang magparamdam kinikilala mo muna, tinitignan mo kung compatible kayo, kung swak kayo, kung magwo-work kayo if ever magiging mag-jowa kayo,” pagkaklaro ni Elisse.

-ADOR V. SALUTA