MINSANG lang sa buhay ng tao na bumubuhos ang suwerte. At kabilang ang boxer na si Nesthy Petecio sa nakaranas nito.
Matapos ang kampeonato sa World Championship nanagbigay sa kanya ng posibilidad na makahirit ng slots sa Olympics, nasungkit niPetecio ang gintong medalya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.
“Kung ano po yung naramdaman ko sa world, yun po ang nararamdaman ko ngayon. Sobra sobra po yung saya ko,” pahayag ni Petecio matapos ang awarding ceremony tangan ang kauna-unahang gintong medalya sa biennial meet.
“Sobrang blessed ko ngayon,” aniya.
Nakumplweto ni Petecio ang pangarap nang manaig kay New Ni Oo ng Myanmar via unanimous decision sa women’s featherweight class finals.
Kumpara sa nakalipas na kampanya sa SEA Games (2011 Jakarta, 2013 Napyidaw at 2015 Singapore) na natapos lahat sa silver, higit ang kanyang kumpiyansa sa paglaban sa harap ng nagbubunying kababayan.
“Kung ano po ang preparation namin sa world, ganon pa rin po,” aniya.
“Walang pagbabago sa preparation namin. Simula po sa nutrition po namin, sa suporta po ng PSC, nila chairman Ramirez, Pangulong Duterte, andoon po lahat, wala pong pagbabago,” aniya.
Naitala ni Petecio ang iskor na 30-24, 30-26, 30-27, 30-24, 30-24 para sa isa sa pitong gintong medalya na napagwagihan ng Philippine Boxing Team.
“Hindi naman po ako nahirapan. Gigil lang po,” aniya.
“Nagstick lang ako sa kung anong ginawa ko noong world. Kasi gigil po talaga ako, gusto ko pong patumbahin talaga siya!”
-Joseph Almer Pedrajas