TAMPOK si Malaysian champion Glenn Hullana Garcia sa mga bigating kalahok sa pagharurot ng Raymond Transportation Open Chess Tournament na may temang “Kabataan Isulong Mo’ Ang Tamang Tira” sa Nobyembre 16, 2019, 10am na gaganapin sa Church of Christ of the Latter-Day Saints, Barangay Tagbakin sa Atimonan, Quezon Province.
Ang Olongapo City based Garcia na tubong Brgy. Sinabacan, Candelaria Zambales ang pinaboborang magwagi sa Swiss system tournament dahil sa kanyang pagkampeon sa taong ito sa Kuala Kangsar chess championship na ginanap sa Kuala Kangsar, Perak Malaysia nitong Setyembre.
Magkatuwang na inorganisa ng magkapatd Sancho at Pancho Cochangco kung saan ang one-day event ay magsisilbing punong abala si Raymond Transportation president engr. Raymond M. Escobar sa pakikapagtulungan nina Atimonan, Quezon mayor Rustico U. Mendoza at councilor Rumel Verastigue may pabuyang top purse P5,000 plus surprise gift.
Nakalaan din naman sa second hanggang fifth placers ang tig P3,000 plus gift, P2,000 plus gift, P1,500 plus gift at P1,000 plus gift, ayon sa pagkakasunod.
May naghihintay din sa Sixth hanggang 10th placers na tig P500 plus gift.
May special prizes din para sa category winners na tig P300 para sa top senior, top college, top secondary, top elementary, top Atimonanin at top lady.
Ang iba pang woodpushers na maglalaro sa torneong ito na sinuportahan nina Golden J. Bistro and Siopao Center top honcho Conrado Acampado, Atimonan Chess Club pres. Ruben Alegre, engr. Gerry Vila, teacher Jason R. Par, teacher Michael Valdez at Barangay San Rafael Elementary School Principal Ruben Belmonte ay sina Janglie Lita, Radz Dionisio, engr. Gerry Vila, Rigor Padernal, Arvie Pason Tombo, Romy Talavera at Reymond Jay Ompod.
Ang Registration fee ay P200 kung saan ay libre ang snack’s. Mag call or text kina Mr. Pancho Cochangco sa mobile number 0933-851-7147 at Mr. Bernard Jumaway sa 0942-566-5042 para sa dagdag detalye.