BINAWIAN ng De La Salle University ang University of the East, 65-59, upang makabalik sa win column kahapon sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa MOA Arena.
Hindi nagpaawat si Justine Baltazar sa huling pitong minuto ng laro upang giyahan ang Green Archers sa panalo.
Naiiwan ng dalawang puntos, kumamada ang La Salle ng 10-3 run kung saan nagtala ng 8 puntos si Baltazar upang kabigin ang lamang,57-52, may 3:48 pang nalalabi sa orasan na hindi na nila binitawan hanggang matapos ang laban.
Tumapos si Baltazar na may 23 puntos at 12 rebounds sa kabila ng nakakaramdam ito ng sintomas ng trangkaso.
“We found out that seven of our players had flu then three are injured. Swerte kami that we were able to pull through,” ani DLSU coach Gian Nazario.
“We’re happy that we were able to pull this one out. We really needed this one,” aniya.
Nanguna naman para sa UE na bumagsak sa markang 3-8 si Rey Suerte na may 17 puntos at tig-4 na rebounds at assists katuwang si Alex Diakhite na may 11-puntos at 20-rebounds.
-Marivic Awitan