SA mediacon ng Imelda Papin Queen @45 Anniversary Concert ay ni-asked ni yours truly ang nasabing singing legend nang ganitey….

Imelda

“Imelda sa 45 years mo sa show business, wala ka pa ring kupas…parang pang-Millenial pa rin ang byuti mo na tipong puwede mo pa rin kantahin yung kantang… “Sa ilalim ng puting ilaw..sa dilaw na buwan…” (sa tonong pakanta)… anong sikreto mo in 45 years?”

“Ang sikreto ko for 45 years, una, ang Panginoon…pagtulong sa family…dahil yun ang nagbibigay inspiration sa akin, plus siyempre, walang mga vices…hindi ako naninigarilyo, hindi ako umiinom ng liquor…hindi ako nagdra-drugs at ang pinaka-importante sa akin, dapat ang Imelda Papin ay maraming trabaho.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Yun ang nakakapagbigay sa akin ng lakas at inspiration. Siyempre like now, bilang Vice Governor ng Camarines Sur mahirap yung biyahe papunta rito at pabalik doon lalo na pagtrapik. Pero okay lang yon, kayang kaya naman, just a matter of time management.

“Yun ang nakaka-inspire sa akin dahil yung pagtulong sa tao, yung mga humihingi ng tulong nakikita ko, at kung kaya ko namang tulungan, eh, natutuwa talaga ako na tulungan sila sa abot nang aking makakaya. At yung siguro ang nakakapagbata sa akin, feeling ko lang.” lahad niya sa amin.

Ahhh, Imelda, love mo ang magtrabaho ng magtrabaho but may saying na para umasenso ka sa buhay, dapat mag-negosyo ka at huwag kang magtrabaho, do you believe in that saying?

“Well, kung both actually…na may negosyo ka na tapos ahh, sa akin kasi mas gusto ko yung meron akong responsibilidad as a person, sa work ko sa Bicol as Vice Governor, sa office ko, sa mga sessions namin dapat present ako lagi.

“Sa negosyo, of course meron din akong mga negosyo…I have dialysis centers, Entertainment Productions, and ahh, I have dental supplies enterprises. Marami akong negosyo, hahaha, na sabi ko nga, ayokong mawalan ako ng trabaho, you know what I mean? Either sa opis or sa negosyo…Kaya kong pagsamahin.”

K, copy.

And Imelda even added na gaganapin ang kanyang Imelda Papin Queen @45 Anniversary Concert sa Philippine Arena this coming October 26 with special guests, Andrew E., April Boy Regino, Claire dela Fuente, Darius Razon, Eva Eugenio, Jovit Baldivino, Marco Sison, Pilita Corrales, Sonny Parsons with Hagibis, Victor Wood.

Also joining are her daughter Maria France (Maffi) with her three kids Keif, Zach at Xavier ( mga apo ni Imelda ), sisters Gloria and Aileen Papin, Gary Cruz and Millenial Artist LA Santos.

Produced ang Imelda Papin Queen @45 ng DreamWings Production & Papin Entertainment Productions.

-MERCY LEJARDE