Sa wakas ay gigiling na ang kamera ng Viva films para ikaapat na installment ng Pedro Penduko na dalawang beses ginampanan ni Janno Gibbs. Sa November ang simula ng shooting.

Matteo at Sarah

Excited si Matteo Guidecelli dahil unang big project niya ito sa Viva. Nag- research nang husto ang actor sa pagkatao ng folklore hero. Tiniyak niyang he is physically fit dahil isa itong fantasy movie with plenty of actions.

Naging batayan ang pagkahilig ng actor sa ibat ibang uri ng sports kaya siya agad ang ipinalit kay James Reid who begged off sa project. Sa television ay si Matt Evans ang gumanap bilang Pedro Penduko.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Malaking hamon kay direk Jason Paul Laxamana ang Pedro Penduko dahil hindi ito ang kanyang comfort zone. Some of his hit movies about relationships ay Between Maybe, So Connected and the recent Just A Stranger.

Ang tanong okey kaya kay Sarah Geronimo ang mag- cameo role bilang Maria Makiling

-REMY UMEREZ