NANAWAGAN kamakailan ang World Health Organization (WHO) hinggil sa higit na pananaliksik sa epekto sa kalusugan ng microplastics matapos lumabas kamakailan ang pag-aaral kung saan nakitaan ng mga microplastics ang inuming tubig.

“We urgently need to know more about the health impact of microplastics because they are everywhere -- including in our drinking-water,” pahayag ni Maria Neira, eksperto mula sa WHO.

Ayon kay Neira, base sa kanilang limitadong kaalaman, hindi nagdudulot ng masamang epekto sa ngayon ang microplastics pollution sa mga inuming tubig, ngunit nangangailangan pa ito ng higit na pag-aaral.

Kailangan, aniyang mapigilan ang pagtaas ng polusyon sa plastic sa mundo.

“WHO recommends drinking water suppliers and regulators prioritize removing microbial pathogens and chemicals that are known risks to human health, such as those causing deadly diarrhoeal diseases,” ayon pa sa kanyang pahayag.

“Microplastics larger than 150 micrometers are not likely to be absorbed in the human body and uptake of smaller particles is expected to be limited,” ayon sa pinabagong resulta ng pag-aaral hinggil sa microplastics analysis, na nagdulot ng pangamba sa WHO.

Isa pang natuklasan sa pananaliksik, ang banta ng microplastics na nadiskubre at inilimbag sa journal ng Science Advances ng isang grupo ng mga mananaliksik na nakatuklas ng 10,000 plastic particles per liter sa Arctic na sumama sa mga nyebe o snow, base na rin sa naging ulat ng BBC kamakailan.

Ikinokonsidera ng NGO at ng mga international organization, tulad ng UN ang polusyon sa plastic bilang isa mga lumalalang problemang pangkapaligiran.

Samantala, upang maipahayag at maikalat ang impormasyon hinggil sa suliranin, itinalaga ng UN ang “Beat Plastic Pollution” bilang slogan nitong nakaraang taon World Environmental Day.

-Anadolu/PNA