ISANG kakaibang Yasmien Kurdi ang mapapanood ng televiewers sa GMA primetime series na Beautiful Justice.

Yasmien

Nang tanungin kung ano ang dapat abangan sa kanyang karakter, fierce ang naging sagot ni Yasmien.

“They can expect a different Yasmien, na maaksyon at palaban. Kung sa dating roles ko lagi akong inaapi, ngayon palaban na ako.”

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Aminado si Yasmien na challenging ang role niya sa drama-action series na ito. Sa kanilang paghahanda para sa serye, kinuwento rin ng aktres ang paghanga niya sa mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“’Yung mga agents natin sa PDEA niri-risk nila ‘yung buhay nila para sa mamamayang Pilipino, so ‘yung respeto natin talaga dapat mataas para sa kanila at dapat saludo tayo sa kanila.”

Sige, abangan natin si Yasmien kasama sina Gabbi Garcia at Bea Binene sa Beautiful Justice, at malapit na itong mapanood sa GMA Telebabad.

-MERCY LEJARDE