Mga Laro Ngayon

(Malolos Sports and Convention Center)

4:15 n.h. --  Foton vs Marinerang Pilipina

7:00 n.g. --  F2 Logistics vs Cignal

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

MALOLOS CITY –  Hatawan ang inasahan sa pagaagawan sa ikatlong puwesto ng Foton at Cignal na sasabak sa magkahiwalay na duelo sa Philippine Superliga All-Filipino Conference  ngayon sa Malolos Sports and Convention Center.

Haharapin ng Tornadoes ang Marinerang Pilipina ganap na 4:15 ng hapon, habang mapapalaban ang HD Spiker sa F2 Logistics sa 7 ng gabi.

PSL logo

Tabla ang Foton sa Vognal na may 7-6 karta matapos mabigo sa Petron sa Spike on Tour sa Corpus Christi gym sa Cagayan de Oro City nitong weekend.

Nangunguna ang Petron na may 13-1 karta, kasunod ang F2 na may 11-2 mark.

“This is our best and only chance to get the third spot so we have to give our all,” pahayag ni Cignal head coach Edgar Barroga.