KASADO na ang pagsasanib puwersa ng Philippine Sports Commission at Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. kasama ang Department of Tourism Region 7 sa paghahatid ng 7th Karatedo Goju-kai Asia Pacific Championship na gaganapin sa Lapu-Lapu City, Cebu sa Setyembre 27 hanggang Oktubre 1.

SELYADO! Iminuwetra nina (mula sa kaliwa) Karate president Richard Lim, PSC Commssioner Ramon Fernandez at Lapu-Lapu City Mayor Ahong Chan ang ‘Duterte Fist’ bilang suporta sa sports development program ng pamahalaan

SELYADO! Iminuwetra nina (mula sa kaliwa) Karate president Richard Lim, PSC Commssioner Ramon Fernandez at Lapu-Lapu City Mayor Ahong Chan ang ‘Duterte Fist’ bilang suporta sa sports development program ng pamahalaan

Ito ang unang pagkakataon na magiging punung-abala ang bansa sa paghahatid ng nasabing kompetisyon na gaganapin sa Hoops Dome, Lapu-Lapu City.

Mahigit sa 700 athleta buhat sa 26 na bansa buhat sa Asya kasama ang Japan, Indonesia, Malaysia, Korea at iba ang ainaasahang dadayo sa bansa upang makilahok sa nasabing event.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“As part of the PSC’s campaign in spreading sports all over the country, we are honored to partner with City Mayor Jonard Chan and the local government of Lapu- Lapu City to host this international event in Cebu,” pahayag ni PSC Commissioner Ramon Fernandez.

Kamakailaan ay nakipagpulong si Fernandez sa mismong presidente ng Karate Pilipinas na si Richard Lim upang pag-usapan ang nasabing event.

Malaki naman ang naging pasasalamat ng Mayor ng Cebu na si Jonard Chan sa PSC at sa Karate Pilipinas gayung malaking tulong umano ito sa kalakarang pangturismo ng nasabing siyudad.

“This is a great development in promoting sports tourism not just in Cebu, but for the whole country. Lapu-Lapu City is ready to welcome and accommodate our asian countries all throughout the games,” ani Chan.

Ang nasabing tatlong araw na kompetisyon ay magsisilbi din na test event para sa national team ng karatedo para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

-Annie Abad