ININTRIGA pa rin ng mga bashers ang pagbibigay-katuparan ni Kapamilya Megastar Sharon Cuneta na mapasaya ang umiidolo sa kanyang Kapuso broadcaster na si Rhea Santos bago ito umalis papuntang Canada.  May mga nagsabing sinuway raw ni Sharon ang utos ng ABS-CBN na hindi mag-appear sa GMA Network.

SHARON

Tulad nang naisulat namin, isinurpresa ni Vicky Morales, host ng programang Wish Ko Lang ang matagal nang dream ni Rhea na makita at maka-duet ang idolo niyang si Sharon, ng favorite song nitong Bituing Walang Ningning.  Hindi naman nagkait si Sharon sa pag-imbita sa kanya ni Vicky, at ang alam namin, hindi ginawa ang taping ng duet nina Sharon at Rhea sa GMA, kundi sa isang lugar na pinapunta ng programa sina Sharon at Rhea.

Kaya naman nag-post ng sagot niya si Sharon sa mga nang-iintriga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Thanks to Vicky Morales, I was able to surprise Rhea Santos on “Wish Ko Lang” before she and her beautiful family left for Canada for good.  We will miss you.”

Dagdag pa ni Sharon: “Though I am a Kapamilya, I refuse to be part of the network wars.  All stations, especially GMA have helped me to become what I have in my career.  And I was a Kapuso for a long time in my younger years, and so I have a loving family there too.  Lots of love always.”

Matagal na nag-host noon si Sharon ng mga noontime shows ng yumaong German Moreno, at doon din nagsimula ang kanyang movie career.

Last Saturday ipinalabas sa Wish Ko Lang ang episode na iyon na napuno ng luha ang nakatawang si Rhea sa mahigpit na yakap ni Sharon at kahit si Vicky ay hindi nakapigil sa pag-iyak, na sure kami ganoon din ang mga televiewers, kasama na kami.

Kagabi, Monday evening umalis si Rhea kasama ang dalawang anak niyang lalaki, sina Uno at Yuan, patungong Canada.

-NORA CALDERON