PINAUNLAKAN ni Kean Cipriano ang pagbabahagi ng kanyang pribadong buhay sa talk show na Tonight With Boy Abunda.

Kena, Chynna at Stellar

Excited ang rocker dahil baby boy ang second child nila ng aktres na si Chynna Ortaleza. Ipinagmalaki rin ni Kean na marunong daw siyang magtimpla ng gatas para sa mga anak dahil wala raw yaya ang mga ito. Kinarir na rin ni Kean ang mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng plato at pagluluto.

Samantala, intimidating daw ang naging feeling ni Kean sa paglabas sa seryeng Ang Probinsiyano kung saan sumabak siya sa chase scenes at barilan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa kanyang singing career naman, maaari nang mapakinggan sa mga digital platform ang Eye Contact single niya at malapit na ulit siyang sa I Can See Your Voice.

-Remy Umerez