Standings W L
San Beda 4 0
CSB 3 0
Letran 4 1
LPU 4 1
SSC-R 2 2
JRU 2 4
Perpetual 1 3
Arellano 1 3
EAC 1 4
Mapua 0 4
Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
12:00 n.t. -- Mapua vs Letran (Men)
2:00 n.h. -- Perpetual vs Arellano (Men)
4:00 n.h. -- SSC-R vs CSB (Men)
MULING makasalo sa pangingibabaw at panatilihing malinis ang kanilang rekord ang misyon ng College of St.Benilde ngayong hapon sa pagsalang sa tampok na laban ng nakatakdang triple bill sa NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament.
Makakasagupa ng Blazers ang San Sebastian College Stags ganap 4:00 ng hapon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.
Mauuna rito, magtutuos sa pambungad na laban ganap na 12:00 ng tanghali ang Mapua University at Letran na susundan ng tapatan ng University of Perpetual Help at season host Arellano University ganap na 2:00 ng hapon.
Tatangkain ng Blazers na masungkit ang ika-4 na sunod nilang tagumpay upang pumatas sa kasama nilang nanatiling walang talong koponan at kasalukuyang solong lider Red Lions.
Huling ginapi ng St.Benilde para sa ikatlong sunod nilang panalo ang Mapua noong nakaraang Huwebes, 71-67 sa homecourt ng huli sa Intramuros.
Ang kasalukuyang marka nilang 3-0 ang pinakamagandang panimula ng Blazers sa liga mula noong 2005.
Para naman sa katunggali nilang Stags, magkukumahog itong makabangon mula sa kinasadlakang dalawang sunod na pagkabigo, pinakahuli sa kamay ng defending champion San Beda,59-73, nitong Biyernes.
Tatangkain namang kumalas ng Knights sa pagkakabuhol nila ng Lyceum sa ikatlong puwesto taglay ang parehas na markang 4-1.
S a i s a pang l a b a n , maghihiwalay naman ng landas ang Altas at ang Chiefs na kasalukuyang magkasalo sa kartadang 1-3.
-Marivic Awitan