NILINAW ng Games and Amusement Board (GAB) na mandato lamang ng ahensiya ang mag-monitor at mangasiwa sa paraan ng betting sa horseracing.

MITRA: Labas ang GAB sa pustahan.

MITRA: Labas ang GAB sa pustahan.

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagbibigay ng prangkisa sa mga horseracing clun ay hindi sakop ng ahensiya, bagkus ay nagmumula sa Kongreso.

“The franchises of the clubs are granted by Congress, so nothing really comes from GAB except the regulatory matters. The government share on the betting are collected by GAB (and Philracom) and the checks go straight to the National Treasury,” sambit ni Mitra, dating Palawan Governor at Congressman.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang pahayag ay isang paglilinaw ni Mitra sa mandato ng GAB matapos ang naging desisyon ng Pangulong Duterte na ipatigil ang Lotto game ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil nagagamit umano ito sa korapsyon.

“GAB fully supports all the directives of the president and his drive to rid the government of corruption,” pahayag ni Mitra.

Pinangangasiwaan din ng GAB ang international cockfighting na ginaganap sa bansa tatlo hanggang apat na beses sa isang taon. Taliwas sa pananaw ng iba, walang kinalaman ang ahensiya sa aspeto ng pustahan. Kinukuha lamang ng GAB ang flat rate fee sa bawat laban.

“Although professional sports and cockfighting are within GAB’s mandate, sports betting and online cockfighting are not licensed by GAB at this time,” ayon kay Mitra.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng pakikipagpulong sa Miyerkoles (Hulyo 31) ang pamunuan ng GAB sa lahat ng stakeholders sa boxing sa opisina nito sa Makati City.

Layunin ng pagpupulong ang pagbibigay kaalaman sa mga boxing stakeholder sa ginagawang reporma ng ahensiya upang mas mapaaayos ang sistema para sa mga boxers, matchmakers, managers at promoters.

“This will provide an opportunity to review the amendments on the rules and regulations governing professional boxers,” aniya.