CONGRATULATIONS kina Kikay at Mikay na tinaguriang cutest duo nang manalo ng cash prize sa dance competition na ginanap sa Riverbank Marikina nitong nakaraang linggo at tanghaling grand champion sa P-pop Talent Competition 2019.

Sina Kikay at Mikay ay napili rin bilang mga kids host ng Mossimo casting call sa Festival Mall Alabang, kamakailan.

Malapit na ring idaos ang iho-host din nilang Search For Teen Star Quest 2019.

Sila ang magbibigay ng updates sa mga kaganapan sa naturang talent search, na tipong parang Pinoy Big Brother update.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

So, aabangan namin yan Kikay at Mikay, huh!

Samantala, ang mga upcoming movies naman nila ay PINAY: The Wander Witch at Tawid Pangarap na kapwa idinirek ni Michael Daya.

Magkakaroon din sila ng movie entry for international film under Direk Mike Magat.

Patuloy din ang pag-develop sa kanilang talents dahil hindi lang sila sumasayaw ngayon, nag-eensayo na rin sila sa kanilang pag kanta under the supervision of coach Jerwin Nicomedez.

Pinasok na rin nila ang gymnastics para palakasin ang dating sa dance floor kaya good luck and keep it up, cutest duo Kikay at Mikay!

-MERCY LEJARDE