HINDI diretsong inamin ng cast ng pelikulang Indak kung hango ang kuwento ng pelikula sa foreign film na Step Up, na umabot sa anim na franchise at napanood noong 2006, 2008, 2010, 2012, 2014, at ipalalabas uli ngayong 2019.

Nadine

Ang kuwento ng Indak ay tungkol sa isang island girl (Nadine Lustre) na lumuwas sa Maynila para sa isang kumpetisyon, hanggang sa nakilala niya si Sam Concepcion, na naging kapareha niya at love interest din.

Si Nadine ang itinanghal na Best Actress sa 2019 Gawad Urian at PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang Never Not Love You. Singer/dancer din ang aktres sa totoong buhay, at sa katunayan ay suki na siya ng Myx Music Awards.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Paano nakatulong ang karakter ni Jen (sa Indak) sa pagkatao o personalidad ni Nadine?

“Si Jen po kasi mayroong fear, kasi nu’ng bata may trauma siya sa pagsasayaw,” kuwento ni Nadine.

“Si Jen, naturuan niya ako na dapat i-push ko pa ang sarili ko para ma-achieve ko pa ‘yung mga dreams ko, mga goals ko in life.

“Dati po kasi or most of the time, dina-down ko pa po ang sarili ko, but this time in-embody ko na si Jen na tuluy-tuloy lang hanggang maabot (ang pangarap). Kung madapa ka, okay lang basta’t tatayo ulit,”pahayag ng aktres.

At napapaindak naman si Nadine sa huling dalawang buwan.

“Honestly, kapag nandito kami (G-Force studio) at magkakasama kaming nagre-rehearse, iba po ‘yung pakiramdam. Parang freedom to express yourself thru your body.

“So before parang may ilang factor pa ako, kasi matagal din akong hindi sumayaw. Kapag kasama ko sila (G-Force dancers) parang nawawala ‘yung awkwardness na ‘yun. ‘Pag good mood kaming lahat at nag-enjoy.”

Bukod dito ay napaindak din si Nadine nang manalo siyang best actress.

Natawa si Nadine, “Of course po. Thank you.”

Samantala, natanong kung kumusta ang love angle nina Nadine at Sam, na ayon sa kanila ay parang incestuous dahil nga magkaibigan sila, kaya nagtatawanan sila.

“Well of course kapag gumagawa kami ng eksena dapat nandoon kami sa karakter namin. Inilalagay namin ‘yung shoes namin sa karakter.

“Gusto namin as actors gusto namin very real, believable kaya kahit good friends kami hindi naman puwedeng may wall between us. We’re actors’ kaya dapat totoo ang ipinapakita at dapat professional kami,” sabi pa ni Nadine.

At ipinagdi ina n di n n i Nadi n e n a walang ikakaselos ang boyfriend niyang si James Reid sa mga eksena nila ni Sam sa Indak.

Mapapanood na ang Indak sa Agosto 9, produced ng Viva Films, at idinirek ni Paul Alexie Basinilio.

-Reggee Bonoan