MADALI nang malaman ngayon kung break na ang isang couple—iyon ay kapag in-unfollow na nila ang isa’t isa sa social media, kasabay ng pagde-delete sa pictures nila sa kani-kanilang account.

Jimuel at Heaven

Ang ibig sabihin nun, tapos na ang kanilang relasyon.

Ang dami nang gumawa nito, kaya naman nalalaman agad ng netizens kung break na ang isang couple. Bakit nga naman ipa-follow pa ang brineyk mo na? I-follow na lang uli at ibalik ang mga litrato kapag kayo’y nagkabalikan.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Ganito ang sitwasyon ngayon nina Jimuel Pacquiao at girlfriend niyang si Heaven Peralejo. Usap-usapang may problema ngayon ang kanilang relasyon dahil they unfollowed each other on Instagram (IG), and they deleted their pictures together.

In fact, 18 posts na lang ang naiwan sa IG ni Jimuel.

Sa kaso naman ni Heaven, marami pa rinn siyang posts, pero wala ni isang litrato nila ni Jimuel, o kahit solo picture ng binata.

-Nitz Miralles