WINALIS ng Kenyan -- Matthew Kipkorir Sigei, Leonard Kimboi, at Jackson Circhir – ang premyadong 21K race division ng Manila Bay Clean-Up Run, habang sina Christine Hallasgo, April Diaz, at Maricar Camacho naman ang namayagpag sa women’s division.

IPINAGKALOOB ng mga opisyal ng Manila Broadcasting Corporation ang mga regalo at medalya sa mga nagwagi sa women’s division ng katatapos na MBC Manila Clean-Up Run.

IPINAGKALOOB ng mga opisyal ng Manila Broadcasting Corporation ang mga regalo at medalya sa mga nagwagi sa women’s division ng katatapos na MBC Manila Clean-Up Run.

Sa 10K race, nanalo sina James Kevin Cruz, Gilbert Laido, at Anthony Nerza kasama ang mga babaeng sina Luisa Raterta, Jocelyn Elijeran, and Rica Moreno.

Sa mga tumakbo ng 5K, sina Immuel Camino, Evelon Abutas, Rowel Galvero Joida Gagnao, Joneza Sustituedo, at Emmalyn Taypin naman ang nakakuha ng medalya. Sa 3K run, sina Erwin Mancao, Michael Gomez, Norbert Cailao, Lina at Liza Abutas, at si Angel Mendoza ang mga nagwagi

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang Manila Bay Clean-Up Run ay proyekto ng Manila Broadcasting Company, sa pakikipagtulungan ng mga lungsod ng Maynila at Pasay, kasama ang suporta ng Symdex-D, Pride detergent, Unique toothpaste, Shield bath soap, Asian Institute of Computer Studies, White Flower Embrocation, Star Wax, Smart dishwashing paste, White Rose Kojic Whitening Soap, Pocari Sweat, at Olympic Village. Ito’y naglunsad sa ika-80 anibersaryo ng DZRH