Iginiit kahapon ng Malakanyang na malalagay lamang sa balag ng alanganin ang bansa kapag iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga karapatan ng bansa kaugnay ng Exclusive Economic Zone (EEZ) nito.

EEZ

Ito ang babala ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bilang reaksyon sa naging pahayag ng mga kritiko ni Duterte na nagsabing walang mangyayari kapag inilatag niya sa China ang constitutional provisions nito sa usapin sa West Philippine Sea.

"I agree with him (President Duterte) completely - that that provision, if you enforce that literally then you’re courting in dangers; because precisely China would not want that. In other words, what benefit do you have if you enforce that provision and then losing everything?" sabi nito.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Paglilinaw nito, paiiralin ng Pangulo ang mga probisyon ng Konstitusyon na nag-utos sa pamahalaan na unahin nitong protektahan ang bansa at mamamayan nito.

"He is going to the very source of other provisions protective of the Philippines like under Article 2, Section 4 of the Constitution, it says that the government’s prime duty is to serve and to protect the people. And that is precisely why he is doing that.

Because what use is there - that provision - if you aggressively enforce the arbitral ruling and it will precipitate and trigger armed conflicts between the two sides?" aniya.

Masyado rin aniyang literal ang interpretasyon ng mga kritiko ng Pangulo sa Konstitusyon.

"Critics and detractors, especially those lawyers, they are reading the provision in isolation of the other provisions of the Constitution. When you read a provision, you always relate it to the other provisions; hindi pupuwedeng iisa lang,” paglalahad nito.

Kamakailan, pinayuhan ni Panelo ang publiko na huwag masyadong pagtuunan ng pansin ang mga pahina ng Konstitusyon at sa halip ay unawain nang husto ang nilalaman nito.

"Yung mga bumabasa niyan in isolation, not in relation to the paramount duty of the state to serve and to protect the people, eh (that is) thoughtless at senseless. 'Di nila ginagamit ang kanilang kaisipan at 'di nila pinalalawak upang maunawaan nila ang ibig sabihin ng Saligang Batas.”

"The President is going beyond that provision. Nire-relate niya dun sa tungkulin niya na pagsilbihan ang taumbayan at pangalagaan,” paliwanag ni Panelo.

Kaugnay nito, hindi interesado ang China na magkaroon pa ng third party investigator upang maresolba sa naganap na insidente sa Recto Bank, nitong nakaraang buwan.

Ayon kay Panelo, iminungkahi lamang ng China na bumuo ng task force ang dalawang bansa na mag-uusap pagkatapos maisagawa ang imbestigasyon.

"Ang sabi nila, ‘di ba una nag-offer sila ng joint investigation. Tapos in-accept ni Presidente, tapos may third paty. Ang sabi naman nila 'wag na yung third party, kailangan tayo lang mag-usap doon. Feeling nila kung meron tayong mga separate investigation then let's meet. Kailangan mag-create ka ng task force, sa 'yo at sa amin, and then we exchange our findings. And then we decide kung ano ang gagawin na natin dito,” pagtatapos pa ng tagapagsalita ni Duterte.

Matatandaang nag-ugat ang usapin nang banggain ng Chinese vessel ang bangkang pangisda ng 22 mangingisdang Pinoy sa Recto Bank na ikinalubog nito, nitong Hunyo 9 ng gabi.

-Argyll Cyrus B. Geducos