ANG pinakahihintay na pagbubukas ng 2019 BNTV Cup 9-Stag National Derby ay papagitna ngayon araw sa Smart Araneta Coiseum tampok ang 102 early-bird na kalahok na maglalaban upang maka-iskor at makaabante sa semis.
Itinataguyod ng Thunderbird – ang hindi maikakailang pinakanangunguna at pinakamalaki sa larangan ng patuka at gamot para sa manok-panabong sa buong mundo -- ang BNTV Cup ay itinatag ng World Slasher Cup champion na si Joey Sy – isa sa mga hinahangaang national endorsers ng Thunderbird.
Magsisimula ang labanan sa ikalawa ng hapon, tampok ang mga sikat at mga susmisikat na gamefowl breeders na handing subukin ang mga bago nilang palahi.
Nasa ikatlong taon na, ang 2019 BNTV Cup ay isa nang 9-stag national derby na may garantisadong premyo na P10,000,000 para sa maliit na entry fee na P6,600 lamang at minimum bet na P3,300 (P5,500 sa Araneta Coliseum).
Ang bakbakan ay magpapatuloy sa Araneta bukas kung saan may papasok na 98 bagong entries.
Sa Hulyo 11, magkakaroon ng isang ‘straight 5’ na labanan sa New Dauis Cockpit Arena, Bohol; na susundan ng mga regular na 2-stag elims sa mga sumusunod na lugar at petsa : Hulyo 19 - New Tarlac Coliseum, Tarlac; Hulyo 23 - San Roque Cockpit Arena, Bulacan; Hulyo 24 - San Juan Coliseum; Hulyo 25 - Abucay Cockpit, Bataan; Hulyo 30 - Texas Cockpit Arena, Antipolo, Rizal; Hulyo 30 - Imus Sports Arena, Cavite at Hulyo 31 - Edward’s Coliseum, N. Ecija.
Sa Hulyo 23 – 27, limang araw na magkakasunod na eliminasyon ang gaganapin sa Manila Cockers’ Club sa Carmona, Cavite.
Para sa buwan ng Agosto, ang mga labanan ay sa Homapon Cockpit- Legaspi City (Aug. 2) ; San Pascual Cockpit , Batangas (Aug. 3); New Aringay Slasher Cockpit, La Union (Aug. 5); Bacolor Cockpit, Pampanga (Aug. 5); Silang Sports Arena, Cavite (Aug. 5); Sta. Barbara Coliseum, Pangasinan (Aug. 8); Pasig Square Garden (Aug. 8); San Juan Cockpit, Batangas (Aug. 9); Sta. Monica Cockpit, Quezon City (Aug. 10); Candon Sports Complex, Ilocos Sur (Aug. 10);
New Negros Coliseum, Bacolod ‘Straight 5’ (Aug. 10); Bacolor Cockpit, Pmpanga (Aug. 12); Metro Darasa Coliseum, Batangas (Aug. 12); Little Coliseum, San Pablo, Laguna (Aug. 13); B-Meg Integra Power Max Arena -Cebu ‘straight 5’ (Aug. 13); San Juan Coliseum, Metro Manila (Aug.14); A. Tabora Sports Club, Baguio City (Aug. 14) Zamboanga Don Jun Pe Coliseum ‘Straight 5’ (Aug. 15); Silang Sports Arena, Cavite (Aug. 16); Morong Cockpit, Rizal (Aug. 17); San Nicolas Cockpit, Ilocos Norte (Aug. 17); Calaca Cockpit, Batangas (Aug. 17); Lamitan Cockpit, Basilan ‘straight 5’ (Aug. 17); Salceda Sports Arena -Bicol (Aug. 17); Fantastic Coliseum, San Pablo, Laguna (Aug. 20); Del Monte Cockpit Arena, Malabon (Aug. 23); Siquijor ‘Straight 5’ (Aug. 23); San Carlos Cockpit, Palawan ‘Straight-5’ (Aug. 24) at Tablas Cockpit Arena, Romblon ‘Straight-5’ (Aug. 24).
Ang 4-stag grand finals ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa ika-9 ng Setyembre.