Dear Manay Gina,

Ayon sa mga kaibigan ko, malungkot daw ang ekspresyon ng aking mukha. Hindi naman ako malungkot sa lahat ng oras, pero ang napapansin ko, madalas ay may mga lalaking bumabati sa akin nang: Miss, bakit ka malungkot?Dahil minsan ay naiirita ako, sinasagot ko sila nang “Wala kang pakialam!”

Pinupuna ng aking mga kaibigan ang gawi kong ito dahil masyado daw akong brutal. Kaya lang, sa pagkakataong ang bumabati sa akin ay mga lalaking ‘di ko naman kilala, pakiramdam ko’y gusto lang nilang makipagkilala sa akin at ‘yon ang kanilang pick-up line. Mali ba ako sa ganoong attitude?

Lorie

Dear Lorie,

You’re not “wrong” exactly, but you sure are angry. Ayon sa ‘yong liham, sadyang malamlam ang ekspresyon ng iyong mukha. Pero ang reaksyon mo sa mga taong pumupuna nito ay repleksyon ng nadarama mo sa ‘yong sarili. Tandaan mo, na ang mga lalaki ay hindi naaakit sa isang babaeng tila patungo sa dentista para magpa-root canal. Kaya sa bagay na ito, ang suliranin ay nasa iyo at wala sa mga lalaking nagtataka kung bakit ka mukhang malungkot.

Kung ayaw mong napupuna ang pagiging seryoso ng iyong itsura, humarap ka sa salamin at pag-aralan mo ang tamang ekspresyon para magmukha kang masaya. Puwedeng isipin na ikaw ay may pagka-anti-social, at kung gusto mo itong baguhin, maaari kang patulong sa isang counselor.

Nagmamahal,

Manay Gina

“There are some people who live in a dream world, and there are some who face reality; and then there are those who turn one into the other.”---- Douglas H. Everett

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia