IPINAKILALA na ni Lovi Poe ang bago niyang boyfriend, ang British na si Monty Blencowe. French ang dating boyfriend ni Lovi, si Chris Johnson at tumagal din naman ang relasyon nila, pero hindi na nalaman kung ano ang reason ng break-up nila. Basta bigla nalang nabura ang mga social media posts ni Lovi na patungkol kay Chris.

Lovi at Monty copy

At ang bago ngang pumupuno ng kanyang Instagram wall ay si Monty, na nakilala niya sa ilang buwan niyang pagbabakasyon sa iba’t ibang lugar sa USA. Akala namin nang bumalik na si Lovi sa bansa kamakailan, ay magbabalik-acting na siya dahil nami-miss na siya ng mga fans. Ang last project pa niyang ginawa sa GMA Network ay ang The One That Got Away noong March, 2018.

Pero umalis uli si Lovi at nagtungo sa London para um-attend ng Royal Ascot sporting event, isang prestihiyosong annual racing event na dinadaluhan ng Royal Family ng England at mga mayayamang British.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Caption ni Lovi sa ipinost na larawa: My Hat date to the races (winking emoji) #RoyalAscot”

Si Blencowe, base sa IMDB.com, ay executive producer ng American films tulad ng Escape Plan 2: Hades (2018) at Marauders (2016) at nakatira sa Los Angeles, California. Enero ng kasalukuyang taon nagkakilala sina Monty at Lovi sa Los Angeles.

Samantala, bentang-benta ang suot na outfit ni Lovi sa Royal Ascot dahil nagmukha rin siyang British. Litaw ang likod ng aktres at na-feature pa siya sa Ascot fashion ng Daily Mail UK online.

It seems like this time, hindi na magtatagal sa UK si Lovi dahil sa pag-uwi niya rito few days ago ay nakipag-meet na raw sila ng manager niyang si Leo Domingo para sa bagong proyekto niya sa GMA Network.

-NORA V. CALDERON at ADOR V. SALUTA