NAUNANG napili ang Idol Philippines Top female 6 nitong Sabado sa pangunguna nina Elle Ocampo (Pampanga), Fatima Louise (Quezon City), Shelan Faelnar (Caloocan), Zephanie Dimaranan (Binan), Trish Bonilla (Lucena) at Rachel May Libres (Pasay).

'Idol PH' top 12

Nitong Linggo naman inanunsyo ang Top male 6 na sina Dan Ombao (Bataan), Lance Busa (Butuan City), Lucas Garcia (Lipa City), Matty Juniosa (Mandaluyong), Renwick Benito (Pampanga), at Miguel Odron (USA).

As expected, may mga nabasa kami sa social media na hindi sila pabor sa mga napili kasi hindi pumasok ang mga manok nila.

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

Anyway, halos iisa ang pahayag ng Top 12 na labis silang nagpapasalamat sa pagkakapili sa kanila tulad ni Matty, “parang nananaginip po kami kasi we came from normal people then become singing for the nation.”

Sabi naman ni Elle, “sobrang grateful po sa lahat ng nangyayari sa amin and I feel lahat kami super grateful sa opportunity na ito na mapakita namin who we are sa buong country.”

Inamin din ng iba pa na sobrang stressed at puyat sila sa nakaraang araw bago sila pinili as top 12 dahil sandali lang ang oras na ibinigay sa kanila para pag-aralan ang kantang kakantahin nila sa do or die round.

“’Yung pagod po ang nilalabanan namin. Sobrang hirap pero excited na po kami,” saad naman ng pinakabatang si Zephanie.

Naikuwento rin ng bawat isa na may mga fan base na sila at overwhelmed sila sa suportang natatangap mula sa fans.

“Sobrang nagpapasalamat ako kasi first time itong nangyari sa buhay ko, ang dami kong fans,”saad ni Renwick.

Ano naman ang naging best part sa journey na tinahak ng Idol Philippines top 12?

“The best of this is the fans and the supporters and what they appreciate about you. Being around with great singers,” say ni Miguel.

“Naging family kami, nagkaroon ng bagong barkada, iisa kami,” ani Dan.

At dahil ilang araw na lang ay live round na, inamin ng top 12 na panay ang practice nila at disiplina sa katawan. Bawal kumain at uminom ng makakasira sa boses nila at kailangan nila ng tamang tulog.

Sa unang linggo ng grand face off live round ay pawang mga awitin ni Professor Ryan Cayabyab ang kakantahin ng top 12. Mismong si Mr. C din ang magtuturo sa kanila kaya pinaghahandaan na nila ito.

Hindi pa ini-reveal kung anong mangyayari sa mga susunod na linggo dahil sorpresa ito sa lahat.

Sa ABS-CBN studio na gaganapin ang natitirang live round weeks at ang grand finals ay sa Resorts Word idaraos. Ang mananalo sa Idol Philippines ay mag-uuwi ng dalawang milyong piso at kontrata sa Star Music.

-Reggee Bonoan