Sugatan ang isang pulis matapos siyang saksakin ng tari ng isa sa limang inaresto niya dahil sa ilegal na sabong sa Caloocan City, nitong Linggo ng umaga.

TARI

Ayon sa report ng Northern Police District (NPD), sinalakay ng Police Community Precinct (PCP)-5, sa pamumuno nina Major Rommel L. Ebarje at Cpl. Lord Byron Tolentino, ang tupadahan sa Agape Street, Barangay 178 ng lungsod, dakong 11:00 ng umaga.

Kani-kaniyang takbuhan ang mga nagsasabong, ngunit nadamba sina Romy Quisay, 24, binata, construction worker; Joel Espaltero, 53; Gerald Gonzaga, 50; Aries Dioneda, 31; at Joevito Bajasan, 34 anyos.

Probinsya

Mga isdang kabilang sa ‘regulated and threatened species,’ nasabat sa Palawan

Gayunman, nang poposasan na ni Cpl. Tolentino si Quisay ay bigla umano nitong kinuha ang hawak na tari at sinaksak sa tiyan ang pulis.

Pinagtulungan ng iba pang pulis na maihiga sa lupa si Quisay, saka pinosasan.

Dinala sa FEU Hospital si Cpl. Tolentino, habang si Quisay ay kinasuhan ng direct assault with frustrated homicide at paglabag sa PD 1602 na may kaugnay sa ilegal na sabong.

Illegal gambling din ang kinakaharap na asunto ng mga kasamahan ni Quisary, na nakumpiskahan ng dalawang panabong na manok, dalawang tari, at perang pinaniniwalaang pusta.

-Orly L. Barcala