SA grand premiere night kamakailan ng pelikulang Feelennial (Feeling Millennial) nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani, directed by Rechie del Carmen, at showing na ngayon in Cinemas nationwide, very open and proud si Bayani sa pagsasabing “good kisser” daw ang Comedy Queen.

Bayani at Ai Ai copy

Marami kasi silang kissing scenes sa pelikula, na unang beses na pagtatambal nila.

“Yesss, AiAi is a good kisser talaga,” sabi ni Bayani with matching laughters on the side.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Kumusta naman ang working relationship nila ni AiAi sa movie nila? Masaya ba sila?

“Ay, totoo ‘yan, masaya kami talaga. Actually, ngayon lang kami nagkasama ni Ai Ai, pero tatlong dekada na kaming magkaibigan,” sabi ni Bayani.

“Kaya nu’ng malaman kong magkakasama kami dito nga sa Feelennial movie ay tuwang-tuwa ako siyempre.

“Alam mo, marami na sana kaming pinagsamahang pelikula noon pa pero hindi natutuloy, kasi ‘pag may ginagawa siya, may ginagawa rin ako. Kaya hindi kami nagkakatapat ng schedules.

“Talagang in God’s time. Si God talaga ang magsasabi kung kailan magaganap ang bawat pangyayari sa buhay natin.

“Kaya nga, sabi naming dalawa ni AiAi, kung kailan singkuwenta na kami saka lang kami nagkatambal sa pelikula with kissing scenes pa,” ani Bayani, na muling natawa.

But at least, young at heart pa rin sila.

“Palagi naman dapat ganu’n. Always young at heart.”

Feellennial rin ba si Bayani in real life?

“Ako feellenial ako. Kasi, alam mo, ang mga artista, dapat feellennial. At tayong nasa mga ‘90s dapat medyo alam natin kung ano ang mga nangyayari sa mga millennial. Kasi ang mga anak natin ay millennial na.”

Paano ba nagga-guide ni Bayani ang mga millennial niyang anak?Totoo ba na hindi niya pinapayagan na gumamit ng social media ang mga anak niya habang nasa banyo?

“Oo. Ang social media namin or ang internet sa bahay dun lang sa baba. Hindi umaabot sa kuwarto nila, o sa CR. Dapat nakikita namin sila. Pero hindi ko naman sinasabi na lahat ng belong sa millennial generation ay dapat bantayan. Pero ako ‘yun kasi ang patakaran ko sa aming bahay. House rules baga.”

Paano ba dapat ginagamit ng mga millennial ang Internet?

“Dapat sa mga millennial gamitin ang ating mga technology, Internet, gadgets, dun sa mga mapapakinabangan lang. Kasi sayang naman. Kasi marami naman tayong magagandang matututunan kung gagamitin lang sa tamang oras at tamang pamamaraan.”

In pernes, sa ilang dekada na namin pagkakilala kay Bayani Agbayani ay never namin siyang kinakitaan ng kayabangan. Magaling siyang makisama sa mga entertainment press. Mahigpit na yakap at beso-beso ang isinasalubong niya sa amin kapag nagkikita kami, kahit paminsan-minsan lang. At alam niya kung saan kami nagsusulat.

So, we salute you, Bayani Agbayani, and wish you movies pa more!

Ito nga palang Feelennial movie nila ni AiAi ay produced ni Pops Fernandez, ng DSL Production ng mother niyang si Dulce Lucban, na dati ring artista, in cooperation with Cignal Tv ni MVP.

Laugh trip ang peg ng Feelennial kaya hindi kayo mabo-bored na panoorin ito, sa true lang.

-MERCY LEJARDE