TINALO ni Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr. si Fide Master David Elorta,4-3, sa kanilang match-up sa Rapid Chess Face Off nitong Sabado kaalinsabay ng pagdaraos ng FIDE Rated Orbe Rapid Chess Cup na ginanap sa third floor League One Southgate Mall (formerly Alphaland Southgate Mall), malapit sa MRT Magallanes Station, Edsa, Makati City.

Nakuha ng 13-times national open champion na si Antonio ang 3.5-0.5 commanding lead bago nakahabol si Elorta at natapyas ang laban sa 3-5-2.5. Nagawa ni Antonio ang ma-idraw ang laban niya kay Elorta para manalo sa match via 4-3 count.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Magugunita na nanaig si Antonio kay Italian International Master Spartaco Sarno sa 11th at final round matapos ang 51 moves ng Caro-kann-French defense transposition skirmish para maiuwi ang runner-up honors sa 27th World Senior Chess Championship  (50+ and 65+ Open-men and women) na ginanap sa Acqui Terme, Italy dalawang taon na ang nakalilipas.