Nagsampa ng kasong bigamy sa Quezon City Prosecutor’s Office ang isang babae na nagsasabing siya ang legal wife ng hard-hitting journalist na si Raffy Tulfo.

TULFO (22)

Bukod kay Tulfo, kinasuhan din ni Julieta Nakpil Licup-Tulfo ang ipinapalagay na ikalawang asawa ng mamamamahayag na si Jocelyn Pua-Tulfo.

Binanggit ng complainant sa kanyang 10-pahinang reklamo, nagalit siya nang hindi kilalanin ni Tulfo sa national television ang kanilang naging anak na si Grendy.

National

Grupong Manibela, muling magkakasa ng transport strike; sasabay sa National Rally for Peace?

Kabilang sa iniharap na ebidensiya ni Licup-Tulfo ang kopya ng marriage contract na nagsasabing ikinasal ang dalawa sa Office of the Mayor sa Capaz, Tarlac, noong Oktubre 25, 1982.

“Our marriage has not yet been judicially dissolved either by annulment or through nullity of marriage,’’ ayon sa reklamo ni Licup-Tulfo.

Tinukoy din nito na nagpakasal din si Tulfo sa Luna, Isabela, noong Hunyo 24, 1993 at ang huli ay ang pagpapakasal nito kay Pua sa Little Quiapo restaurant sa Quezon City, noong Enero 20, 1995.

Isinalaysay din ni Licup-Tulfo na kaya lamang sila naghiwalay ni Tulfo nang mag-away ang mga ito sa kanilang bahay sa Tarlac, kung saan limang buwan pa itong buntis.

“Respondent Raffy Tulfo never communicated with me thereafter and not even when my daughter was born on March 6, 1984,’’ ayon sa reklamo ni Licup-Tulfo.

-Chito Chavez