NAKATUTOK ang bagong tatag na Santiago City United Chess Association of the Philippines (SCUCAP) sa pagpapalaganap ng larong chess sa grass-roots level.

Ito ang isiniwalat kahapon ni Santiago City United Chess Association of the Philippines (SCUCAP) President Ric A. Ambatali kung saan nakalinya sa kanilang programa ang pagdaraos ng 1st SCUCAP Non-Master Chess Invitational 2000 and below sa darating Sabado mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon na gaganapin sa Balay Na Santiago Calao, Santiago City, Isabela.

May nakalaan na P5,000 plus trophy ang maiuuwi ng magkakampeon sa non-master division habang ang ika-2 hanggang ika-4 na puwesto ay tatangap naman ng tig P3,000, P2,000 at P1,000 plus medals ayon sa pagkakasunod.

May tig P500 plus medals naman ang ika-5 hanggang ika-10 puwesto. Sa panig naman ng kiddies division, may P1,500 plus trophy ang magwawagi habang may pabuya naman sa ika-2 hangang ika-4 na puwesto na tig P1,000, P800 at P500 plus medals. Habang ang ika-5 hanggang ika-10 puwesto ay magsusubi naman ng tig P300 plus medals. Ang registration fee sa kiddies ay P150 habang sa non-master naman ay P250.Ang one-day rapid format sy suportado nina Mayor Engr. Joseph S. Tan, Vice-Mayor Alvin C. Abaya at club advisers na sina Carlito A. Andres Jr. at Avito M. Tering Jr.

Hanash ni Roque: 'May karapatan akong tawaging bangag si Marcos Jr!'

Ang Santiago City United Chess Association of the Philippines (SCUCAP) na nasa pangunguna ni President - Ric A. Ambatali ay binubuo din nina Vice Pres - Larry Cerezo, Secretary - Medel N. Cruz, Asst Sec - Leonardo M. Angel, Treasurer - Gilbert Bayaua, Asst Tres - Renato R. Mariano, Auditors - Alvin Aguinaldo, Lordwin A. Espiritu, Lheiro Kleyzer Garcia, PRO - Harry Curato at Anwar Cabugatan, Bus. Managers - Lionel Cerezo, Melvin Garcia at Noel Degala. Kasama din sina Stewards/Facilitators -, Edwin M. Gabayan, Florentino Pascua, Alvin C. Vargas , Roel Martinez, Esmeraldo A. Darwin, Robert Mina, Jayson S. Cobe , Johnny B. Modumo at Modesto F. Martinez