Kinumpiska kamakailan ang mga karneng baboy mula China, na nagkakahalaga ng P600,000, sa Port of Subic dahil sa hinihinalang African swine fever contamination, ayon sa Bureau of Customs (BoC).

PORK_ONLINE

Ang shipment na naglalaman ng pork meat products, na kalaunan ay natukoy na pork balls, ay kinumpiska nitong Mayo 29.

Ito ay nakapangalan sa Rudarr Trading Corporation at ipinadala mula sa China, na kabilang sa mga bansa na umano’y apektado ng African swine fever.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa tanggapan, ang shipment ay isinailalim sa surveillance at inantabayanan ng Office of the District Collector at Customs Intelligence and Investigation Service nang dumating sa Port of Subic.

Ang pagkumpiska sa shipment ay pagsunod sa utos ng Food and Drug Administration's order at memorandum ng Department of Agriculture hinggil sa "Temporary Ban on the importation of Domestic and Wild Pigs and their products including Pork Meat and Semen" mula sa African Swine Fever (ASF) infected countries gaya ng China.

-Betheena Kae Unite