Isa pang preso ang nakapuga mula sa kanyang police escorts nang tumalon sa sinasakyang mobile car habang ibinibiyahe pabalik sa piitan matapos na isailalim sa inquest proceedings sa Antipolo City, nitong Martes ng gabi.

PUMUGA (21)

Pinaghahanap pa rin ng pulisya ang puganteng si Marvin Nuñez, na nahaharap sa isang kasong kriminal.

Sa ulat ng Antipolo City Police, bago nakatakas ay isinakay umano ng Intel operatives ng Police Community Precinct 2 (PCP-2) sa kanilang mobile si Nuñez, at pitong iba pang preso, at dinala sa piskalya upang isailalim sa inquest proceedings, bago idiniretso sa Antipolo City Police para sa CIRAS requirements ng mga ito.

National

ITCZ, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Gayunman, habang ibinibiyahe na ang mga preso pabalik sa PCP2 ay bigla na lang umanong tumalon si Nuñez mula sa mobile car pagsapit sa Sitio Maagay 1, Padilla, Barangay Inarawan, at tumakbo ito patungo sa hindi mabatid na lugar, dakong 8:30 ng gabi.

Tinangka itong habulin ng mga pulis na nagbabantay sa kanya ngunit bigo silang maaresto ito.

Kamakailan, pitong preso ang pumuga sa kanilang detention cell sa PCP-2. Isa sa mga ito ang agad na naaresto ng pulisya.

-Mary Ann Santiago