TSIKA sa amin ng taga-GMA 7, nag-pictorial na ang cast ng seryeng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, na dating The Haunted Wife ang titulo, sa pangunguna nina Kris Bernal, Kim Domingo, Megan Young, at Rayver Cruz sa ancestral house sa New Manila.

Rayver copy

Kung walang pagbabago ay bukas ang simula ng taping ng bagong serye ng GMA 7, na kailangang umere na sa Hunyo 24, kapalit ng Bihag, na magtatapos naman daw sa Hunyo 21.

“Minamadali na kasi eere na. Alam mo naman ang GMA, bigla-biglang magte-taping ng bagong show. Kita mo nga ‘yung Prima Donna, taping na rin kasi eere na rin kaagad,”sitsit sa amin ng taga-Kapuso network.

Events

'Rated J?' Korina Sanchez, Jessica Soho naispatang magkasama sa Vatican

Nabanggit din sa amin na nagkagulatan daw nu’ng malamang hanggang 2020 pa ang panghapong programang Kadenang Ginto. Nu’ng nabalitaan nilang may thanksgiving presscon ay inakalang magtatapos na.

“’Di ba ganu’n naman lagi sa ABS, kapag nagpa-thanksgiving presscon, magtatapos na? Kaya nagkagulatan nu’ng binanggit sa presscon na extended hanggang 2020. Nakakaloka talaga,” natawang sabi sa amin ng taga-Siyete.

Kami rin naman ay nagulat, akala namin ay hanggang ngayong 2019 lang ang serye, hindi namin din sukat akalain na tatawid hanggang 2020. May karapatan din naman talagang ma-extend, isipin mo, ang taas ng ratings at higit sa lahat, word of mouth parati ang mga eksena sa Kadenang Ginto, huh.

Going back to Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, bahagyang nakuwento sa amin ang gist ng serye na pagbibidahan nina Rayver at Megan, gayung inakala namin na si Kris ang ka-loveteam dito ni Rayver, dahil una na silang nagsama sa Asawa Ko Karibal Ko.

Interesting ang kuwento ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko dahil mystery-horror ito, at take note, pag-aagawan si Rayver ng girls. Taray, guwapo mo, bro!

Hindi lang kami sinagot ng kausap namin kung may kissing scenes sina Rayver at Megan, dahil alam naman na parehong taken na ang dalawa.

-Reggee Bonoan