Pinalaya na nitong Lunes ng New People’s Army, sa hangganan ng Tandag City at Lanuza sa Surigao del Sur, ang tatlong sibilyan na dinukot nitong Huwebes.

Kinilala ni First Lt. Jonald D. Romorosa, Civil Military Operations (CMO) officer ng 36th Infantry Battallion ng Philippine Army, ang mga pinalaya na sina Wendil Delicuna, Jeffrey Delicuna, at Angelo Duazo.

Sinabi ni Danilo Duaso, chairman ng Barangay Mampi sa Tandag, sa mga awtoridad na pinalaya ang mga bihag sa Mahawan area sa Sitio Banahao, Bgy. Maitum, Tandag, nitong Lunes.

Gayunman, iniulat ni Duaso na hawak pa rin ng NPA ang isa pang bihag nitong si Ryard Badiang.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi pa mabatid ang motibo sa pagdukot habang isinusulat ang balitang ito.

Tiniyak naman ni Romorosa na patuloy na tinutugis ng kanilang grupo ang mga rebelde upang ma-rescue si Badiang, na ginagamit umanong human shield laban sa tropa ng pamahalaan.

Mike U. Crismundo