Ipinag-utos ni Lim ang paghatak sa mga sasakyang nakaharang sa kalsada sa paligid ng Corazon Aquino Elementary School, Batasan Hills National High School sa Batasan Hills, Quezon City; at Ramon Magsaysay High School sa Cubao.

ILLEGAL_ONLINE

"Gusto nating matiyak na malinis ang kalsada para sa kaligtasan ng mga estudyanteng papunta at palabas ng eskuwelahan at para tuluy-tuloy ang daloy ng trapiko ngayong pagbubukas ng klase," ani Lim, na nagsimulang nag-inspeksyon dakong 5:00 ng madaling araw.

Sa unang tatlong oras na operasyon, ang mga tauhan ng Task Force Special Operations ay nakahuli ng 21 unattended vehicles at 12 attended vehicles na ilegal na nakaparada; 21 motorcyle riders na hindi nakasuot ng helmet; tatlong motoristang hindi sumusunod sa mga traffic signs; at isang fish ball cart, na kinumpiska dahil nakaapekto sa trapiko.

Hanash ni Roque: 'May karapatan akong tawaging bangag si Marcos Jr!'

Dalawampung tricycle din ang nahuling nag-overloading sa joint operation ng MMDA at Tricycle Regulatory Unit ng Quezon City.

Pinaalalahanan ni Lim ang mga magulang at motorista na maging maingat sa pagbibiyahe sa mga estudyante papunta sa eskuwelahan.

"May mga nakita tayong overloaded tricycles papunta sa eskwelahan. Prayoridad dapat natin ang kaligtasan ng ating mga estudyante," ani Lim.

"Mas paiigtingin pa ng ating mga traffic personnel ang pagpapatupad ng batas trapiko at paglilinis ng mga obstructions sa mga malalapit sa eskuwelahang may malaking populasyon," dagdag ng MMDA chief.

-Bella Gamotea