Pinatawan ng Sandiganbayan ng 90-day preventive suspension si Agusan del Sur Governor Adolph Edward Plaza dahil sa kasong graft at malversation kaugnay ng umano’y pagkakadawit sa fertilizer fund scam, noong 2004.

Gov. Adolf Edward Plaza

Gov. Adolf Edward Plaza

Sa kautusan ng 4th Division ng anti-graft court, binanggit na mandatory ang pagpapalabas ng suspensyon laban sa opisyal ng pamahalaan na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Ikinatwiran ng hukuman ang posibilidad na gamitin ng opisyal posisyon nito upang takutin ang mga testigo at impluwensiyahan din ang mga uusig sa kanya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nitong nakaraang Pebrero 11, naghain ng petisyon sa Korte Suprema si Plaza upang hilinging maglabas ito ng kautusang pipigil sa suspensyon nito.

Gayunman, sinabi sa ruling ng korte, hindi balakid sa isinasagawang pagdinig sa kaso ang pagkakabinbin ng desisyon ng kataas-taasang hukuman sa petisyon ni Plaza.

"As such, at this juncture, the mere fact that the petition is currently pending before the SC should not serve to delay the proceedings before this court," ayon sa resolusyon.

Bukod kay Plaza, nahaharap din sa naturang mga kaso sina Executive Assistant IV Jesusimo Lamela Ronquillo, Assistant Provincial Administrator Cristobal Aboy Cellan Jr., Provincial Department Head Maximo Mongcal Gegato Jr., Assistant Department chief Niceto Ranario ng Provincial Accounting Office, Provincial Treasurer Celsa Sanchez, Security Agent I Andre Bustamante, Supply Officer II Arnold Calang, Storekeeper II ni Provincial Engineering Office Sofronio Raro, Assistant Provincial Treasurer Villa Udad, Budget Officer IV Emmanuel Pedrera Quiban, Pamela Yucosing, Assistant Department head ng Provincial Engineering Office, Provincial Government Assistant Department Head Domingo Castro Jr., at Executive Assistant IV Roberto Moreno Natividad.

Kinasuhan ang mga akusado matapos umanong magsabwatan ang mga ito sa pagbibigay ng kontrata sa Feshan Philippines, Inc., para sa pagbili ng mga bote ng pataba na nagkakahalaga ng P9,908,100 kahit hindi ito dumaan sa public bidding.

Czarina Nicole Ong Ki