MULING sasabak si Ifugao boxing sensation Carl “Wonder Boy” Jammes Martin na itataya ang kanyang malinis na rekord sa wala ring talong si Rakesh Lohchab ng India sa Hunyo 9 sa Midas Hotel and Casino, Pasay City.

MARTIN: Undefeated

MARTIN: Undefeated

May magandang kartada na perpektong 12 panalo, 11 sa pamamagitan ng knockouts, huling nagwagi si Martin nang mapatigil sa 3rd round si dating WBC Asian Boxing Council super flyweight champion Petchorchae Kokietgym ng Thailand noong nakaraang Pebrero 16 sa SM City North EDSA Skydome, Quezon City.

Kasalukuyang hawak ni Martin ang WBA Asia bantamweight belt pero sasagupa siya ngayon laban kay Lohchab na ngayon lamang lalabas sa laban ng India at may perpektong kartada na 6 panalo, 2 sa pamamagitan ng knockouts.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

-Gilbert Espena