KABUUANG 150 kapana-panabik na sultada ang bubulaga sa mga apisyonado bukas simula ng ika-sampu ng umaga sa Smart Araneta Coliseum sa paglalatag ng pinakahihintay na 2019 Thunderbird 6-Cock All Star Derby tampok ang 50 de-kalidad na kalahok na magbibitaw ng kanilang pikamahuhusay na linyada ng manok-panabong na nagbigay sa kanila ng karangalan upang kilalanin at mapabilang sa tinitingalang Thunderbird Winning Team.
Matapos na makumpleto ang lahat ng Regional 5-Bullstag/Cock Derbies sa buong bansa, nakahanda na ang pinakhihintay na pagtatanghal ng tinaguriang pinakaprestihiyoso at pinakamahigpit na one-day event sa Philippine cockfighting.
Handa na para bitawan ang kanilang mga signature bloodlines ng mga tinale sina 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby champion Engr. Sonny Lagon, muti-awarded Dicky Lim ng Palawan, Nestor Vendivil ng Nueva Ecija, 4-time World Slasher winner Tata Rey Briones ng Masbate, Gov. Eddiebong Plaza ng Agusan del Sur, back-to-back Slasher champ Frank Berin ng Isabela, BNTV Cup’s Joey Sy, Bakbakan champ Engr. Sonnie Magtibay ng Palawan, Ormoc Gold breeder Bernie Tacoy, Boy Marzo ng La Union, Baham Mitra ng Palawan, Redbull Gamefarm’s Carlos Tumpalan, Bicolano Teng Rañola, Cong. Larry Wacnang ng Kalinga, Bebot Monsanto ng Cebu, Mayor Jesry Palmares ng Iloilo, Ormoc City’s Winnie Codilla;
Dennis De Asis ng Bacolod, Pitmasters’ champ Hermin Teves ng Dumaguete, Capiz’s pride Marcus Del Rosario, Mayor Baba Yap ng Bohol, Alvin Ong ng Cebu, Vic Lacsao ng Negros, magkapatid na Lino Mariano & Tol Mariano ng South Cotabato, Bentoy Sy ng Zamboanga del Norte, Tan Brothers ng Davao, Zamboanga City’s Manny Dalipe, Armand Santos ng Laguna, Toni Lizares ng Bacolod, Randolf Plaza ng Butuan at ang solong nagtatanggol na kampiyon na si Engr. Expedito Taguibao ng Cagayan.
Ang susubok naman sa tibay ng mga Thunderbird national endorsers ay ang mga Regional champions na sina Don Eikel Ladores, Johnro Galicia , Vasquez Miguel , Dennis Sta. Maria, Nephtali Macarig, Melvin Monsirat, Harvey Philip Isaga, Lawrence Lu , Franklin Cabiguen, Edwin Guttierez, Jonathan Diaz, Marvin Gunner, Wiliam Mamba, Sammy Uy Team, Emmanuel Paras, Dianon Raymond at Winston Treyes kasama si Nene Araneta bilang guest participant.
Ang national champion ay mag-uuwi ng Brand new Toyota Hilux Type G, bilang kargdagan sa champion’s cash prize. Ang champion’s handler ay tatanggap ng 1 TMX 125 cc motorcycle, samantalang ang mananari ay makakakuha naman ng 1 set ng tari mula sa Ampy Tari shop.