Nagpaalala ang Commission on Elections na hanggang sa Miyerkules, Mayo 1, na lang ang local absentee voting (LAV), na nagsimula kahapon, para sa eleksiyon sa Mayo 13.

KAMI MUNA Bumoto ngayong Lunes ang mga pulis sa idinaos na local absentee voting sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. Hanggang sa Miyerkules lang isasagawa ang advance voting para sa mga pulis, sundalo, at mga miyembro ng media na pawang magiging abala sa eleksiyon sa Mayo 13, 2019. (CZAR DANCEL)

Kaugnay nito, nagpahayag ng pag-asa si Comelec Spokesperson James Jimenez na aabot sa 50% ang turnout ng LAV na inilaan nila para sa mga botante na naka-duty at hindi makaboboto sa mismong araw ng halalan.

Ayon kay Jimenez, may kabuuang 34,693 ang aplikasyon na inaprubahan nila para sa LAV.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

Karamihan, aniya, sa mga nag-apply para maagang makaboto ay ang mga operatiba ng Philippine Army, na umabot sa 21,488; Philippine National Police na nasa 8,501; at Philippine Air Force, na umabot naman ng 2,335.

May mga nag-apply din mula sa Department of Education, Philippine Navy, Comelec, Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology, National Bureau of Investigation, Bureau of Fire Protection, Department of Labor and Employment, at maging mga miyembro ng media na naka-duty rin sa halalan.

Mga senador at party-list lang ang maaaring iboto ng mga local absentee voters.

-Mary Ann Santiago