Inumpisahan na ang paglilikas sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Libya kasunod na rin ng halos dalawang linggo nang tumitinding civil war sa Tripoli.

EVACUATION

Sa tinanggap na ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang unang grupo ng pitong Pinoy na kinabibilangan ng tatlong hospital staff at apat na estudyante ay inilikas na sa Embahada ng Pilipinas sa Tunisia.

Sinabi ni Embassy Chargé d’ Affaires Elmer Cato, nasa 13 iba pang Pinoy na nagpapatulong ay inaasahang maililikas sa Tunis sa mga susunod na araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Katuwang ng Embahada ang augmentation teams mula sa Office of Migrant Workers Affairs na nasa Tripoli at sa Tunis sa pangunguna nina Executive Director Enrico Fos at Director Iric Arribas.

Ayon sa DFA, sasagutin nila ang gastusin sa pagpapauwi sa apat na estudyante mula sa isang Islamic school sa Tripoli habang sagot naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ticket sa eroplano ng tatlong empleyado ng Ali Omar Ashkar Hospital na nasa labas ng Tripoli.

Inihayag pa ng opisyal na sa tinatayang 1,000 Pinoy na nananatili sa Tripoli, nasa 20 pa lamang sa kanila ang humirit ng repatriation sa kabila ng mga hakbangin ng Embahada upang sila ay kumbinsihin na umuwi sa Pilipinas.

-Bella Gamotea