NAPILI ang shooting guard na si Ed Daquioag bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the week matapos ang mahalagang papel na ginampanan nito sa naitayong 2-0 bentahe sa serye ng Rain or Shine kontra Magnolia sa kanilang duwelo sa 2019 PBA Philippine Cup semifinals.

Nagtala ang dating University of Santo Tomas standoit ng average na 14.5 puntos, 3.0 rebounds at 2.0 assists sa unang dalawang laro ng best-of-seven series.

Kilalang may tira sa 3-point arc noong kanyang college days, naging puwersa sa opensa si Daquioag ng Elasto Painters off the bench sa Game 1, kung saan tumapos siyang may 10 puntos, 3 boards, at 1 assist sa itinala nilang 84-77 na panalo.

Sa Game 2,pinangatawanan ni Daquioag ang pagiging starter matapos magtala ng 19 puntos sa 93-80 panalo nilang muli kontra Magnolia.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Tinalo ni Daquioag ang teammate na si Gabe Norwood at mga San Miguel players na sina June Mar Fajardo, Alex Cabagnot at Christian Standhardinger para ss lingguhang citation noong Abril 9-14.

-Marivic Awitan