Nagpaalala ang mga opisyal ng Commission on Elections sa mga kandidato na bawal ang pangangampanya bukas, Huwebes Santo, hanggang sa Biyernes Santo.

CAMPAIGN

Ito, ayon kay Comelec Commissioner Luie Guia, ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 19429.

Sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na kabilang sa mga ipinagbabawal ang pagdaraos ng caravan, motorcade, at political rally.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi rin pinapayagan ang pagsasagawa ng walk-around, public speeches, pamamahagi ng mga polyetos at iba pang paraan ng panghihikayat sa mga botante na iboto sila sa eleksiyon sa Mayo 13, gaya ng television, radio, at social media campaign advertisements.

“Bukas (Huwebes Santo) at sa Biyernes (Biyernes Santo), ipinagbabawal ang pangangampanya – ilang mga halimbawa: ang mga pa-caravan, motorcade, rally, walk-around, public speeches, at pagdi-distribute ng mga polyeto. #VoterEd #NLE2019,” tweet ni Jimenez ngayong Miyerkules.

“We want to remind them that it is forbidden to campaign on Maundy Thursday and Good Friday. We call these days the ‘quiet period’,” sabi naman ni Guia.

Nagbabala pa si Guia na ang sinumang mangangampanya ngayon at bukas ay mahaharap sa election offense, at ang mapatutunayang guilty ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon, madidiskuwalipika sa public office, at aalisan ng karapatang bumoto.

-Mary Ann Santiago