Simula sa Lunes ay istrikto nang ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority ang “no loading at unloading policy” sa mga provincial buses sa EDSA at sa mga pangunahing kalsada.

(kuha ni Mark Balmores)

(kuha ni Mark Balmores)

Sinabi ni MMDA General Manager Jose Arturo Garcia, na pagmumultahin ang mga mahuhuling lalabag sa nasabing polisiya.

“Provincial buses are not allowed to load and unload passengers along EDSA and other major roads in Metro Manila,” sinabi ni Garcia sa press briefing, idinagdag na tatanggalin na rin ang mga karatula ng “Provincial Bus Loading and Unloading” sa EDSA.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Garcia, dapat na gamitin lang ng mga bus na biyaheng probinsiya ang kani-kanilang terminal sa pagsasakay at pagbababa ng pasahero, dahil “point to point” naman ang biyahe ng mga ito.

Sinabi rin ng MMDA general manager na sa halip na sa Hunyo—gaya ng unang inihayag—sa susunod na buwan na isasara ng ahensiya ang lahat ng 47 bus terminals sa EDSA.

Ang dry run para sa nasabing pagsasara ng mga bus terminal sa EDSA ay sisimulan sa Lunes, Abril 22.

Sa dry run, sinabi ng MMDA na oobligahin nito ang mga operator ng mga bus terminals na gamitin anmg mga terminal ng gobyerno, tulad ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITEX) at ang mga pasilidad na nasa Sta. Rosa, Laguna at Valenzuela City.

“We will write all concerned local government units for the eventual closure of the terminals along EDSA,” ani Garcia.

-Jel Santos