Naiiba ang pagtatanghal ng 'Sunday PinaSaya' bukas.

Gina Pareño

Gina Pareño

Bilang pangilin sa pagsisimula ng Holy Week sa Palm Sunday, itatampok ng show si Ms. Gina Pareño sa isang live-on-stage drama special na may titulong “Madramarama Presents Nanay,”

Gagampanan ni Gina ang role ni Nanay Maria, na may taning na ang buhay pero hiling niyang bago siya mamatay ay gusto niyang makasama ang mga anak na sina Ai Ai delas Alas, Jose Manalo, at Joey Paras, at maayos na ang matagal na hindi pagkakasundu-sundo ng magkakapatid.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi alam ng mga anak ni Nanay Maria na may taning na ang buhay niya, maliban sa dalawang adopted niyang sina Wally Bayola at Barbie Forteza. Sila ang gagawa ng paraan para muling magkasama-sama ang mag-iina.

Tatalakayin ng SPS Lenten Special ang tungkol sa forgiveness at reconciliation. Ipapaalaala nito sa mga manonood, na sa kabila ng mga personal struggles ng bawat isa, ang pamilya at ang faith natin sa isa’t isa ay laging nangingibabaw.

Ang show ay magiging homecoming din ng ating Miss Saigon star na si Aicelle Santos, na magpaparinig ng medley of inspirational songs kasama sina Maricris Garcia at Julie Anne San Jose.

Special guests din sina Gabby Concepcion for Cynthia’s Academy of (Over) Acting. May one-on-one rap battle naman sina Barbie at Mika dela Cruz ng Kara Mia, at referee nila si Alden Richards. Itatanghal naman ng rapper na si Allmo$t ang new hiphop-based segment na “Dalaga”, with the show’s male cast.

Ang Sunday PinaSaya ay napapanood from 12:00 noon to 2:30 pm, sa GMA-7.

Nora V. Calderon