Laro Ngayon

(MOA Arena)

6:30 pm -- San Miguel vs Phoenix Pulse

ISANG naghahangad na makapasok ng finals sa unang pagkakataon at isang nagnanais na makatungtong ng kampeonato sa ikalimang taong sunod ang dalawang koponang magtutuos sa isa pang semifinals pairings ng 2019 PBA Philippine Cup ngayong gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sisimulan ng 5-peat seeking San Miguel Beer at ng elimination round topnotcher Phoenix Pulse ang kanilang best-of-7 semifinals series ganap na 6:30 ngayong gabi.

Bagama’t nakapasok na No.1 team noong nakaraang quarterfinals, malaki ang respeto ng Fuel Masters sa Beermen partikular sa taglay na talento ng kanilang mga players at sa kanilang championship experience.

Ayon kay Phoenix coach Louie Alas, kinakailangan nilang maging handa at mag dobleng effort sa opensa maging sa depensa.

“It’s like facing National Team,kailangan namin ang A-game namin in both ends,” pahayag ni Alas.

Partikular na pinatutungkulan ni Alas ang starters ng Beermen na pinangungunahan ni reigning league 5-time MVP Junemar Fajardo kasama sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Chris Ross.

Sila ang inaasahan ni Beermen coach Leo Austria upang pahabain ang kanilang league record hanggang fifth straight title sa All-Filipino tournament.

Kaya naman inaasahan ang matinding salpukan ng dalawang koponan dahil target naman ng Phoenix ang kauna-unahang kampeonato sa liga.

“Gusto naming makabalik sa finals,” ang determinadong wika ni Fajardo.

Ngunit tiyak namang hindi sila basta susukuan at uurungan ng Fuel Masters sa pamumuno nina Matthew Wright , Calvin Abueva at reigning Rookie of the Year Jason Perkins.

“We’re serious in what we’re trying to achieve.We’re here to win,” ani Perkins.

-Marivic Awitan