NABABAHALA si Yassi Pressman na idinadawit siya sa biglaang pag-alis ni Julia Montes papuntang ibang bansa. Ayon sa ilang netizens, si Yassi raw ang dahilan kung bakit nagbakasyon sa Europe ang nababalitang girlfriend ni Coco Martin. Sinasabi kasi ng ilang netizens na nagseselos daw si Julia kay Yassi, na leading lady ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Yassi

Sa panayam ni Boy Abunda kay Yassi sa Tonight With Boy Abunda, inamin ng aktres na “medyo” bothered nga siya dahil may mga netizens na sinisisi siya sa pag-alis ni Julia sa bansa.

“Medyo (bothered) po, kasi hindi naman talaga ako kasali,” sabi ni Yassi.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inamin naman ng aktres na very close siya kay Coco dahil leading man niya ito sa Ang Probinsyano, pero magkaibigan lang daw talaga sila.

“Very (close). He’s really, really a good friend,” sabi ni Yassi.

Magkasundo raw sina Yassi at Coco sa pagkakaroon ng pet snakes.

“Nagsimula po ‘yan kasi si Tito Michael (de Mesa), nagdala po siya ng ahas sa set. Tapos, ‘yun po ang ipinangregalo niya sa birthday ni Coco,” kuwento ng aktres.

Noong una raw, ang akala ni Yassi ay laruan lang ang ball python na dala ni Michael.

“Akala ko laruan. Parang bato lang po kasi,” kuwento pa niya.

Noong una daw ay natatakot siya at ang iba pang staff sa Ang Probinsiyano sa nasabing ahas.

“During tracking, ipinapakita namin sa mga taong nakasilip, and we really had fun. Quite surprising how people get excited and afraid,” kuwento ni Yassi.

Dahil sa masayang experience ay bumili si Yassi ng sarili niyang ball python, at pinangalanan niya itong “Fluffy”.

Nagbigay pa si Yassi ng trivia tungkol sa mga snakes.

“Ball pythons are the species of snakes that don’t have fangs and wala rin po silang venom. Mabibilis sila [kumilos].”

Dinala ni Yassi si Fluffy at ang isa pang albino ball python sa TWBA, at pinagapang pa ito. Takot na takot naman si Kuya Boy sa mga dalang pet snake ni Yassi. Napatili pa ang batikang host nang takutin siya ng aktres sa isang punto ng pag-uusap nila.

-ADOR V. SALUTA